Tuesday, August 31, 2010

Meron Akong Kwento...


Sabi ng isa kong propesor dati, ang mga babae daw ay masyadong emosyonada..laging pinapa-iral ang damdamin. Kaya sa isang relasyon, ang babae ang laging may issue. Mahilig tayong ipagsapalaran ang ating nararamdaman at ang damdamin ng ating minamahal. Kahit alam na natin na mahal tayo ng tao, nilalagay parin natin siya sa isang pagsubok. At 'yon minsan ang nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan...hindi nila tayo masabayan sa panahon na umandar ang ating kuryosidad at ang tinatawag na 'woman's instinct'.. Kagaya na lng sa pagsasabi ng Ayaw o Gusto at OO o Hindi.. di nila ma-gets na tayong mga babae ay mahilig baliktarin ang ating mga nais..hindi dahil naghahanap tayo ng issue kundi dahil...naglalambing lang. Ewan ko ba, minsan kasi masarap mang away kasi kaakibat ng ‘away’ ay ang paglalambing at panunuyo ni lalake..bagay na palihim nating kinagigiliwan.

Tama ba girls?

Sabi nila may dalawang uri daw ng nagmamahal. Ang isa, matapos ang hiwalayan..binabaling kaagad sa ibang tao ang atensyon. kahit sino liligawan, susuyuin at papatulan kahit hindi nila ito mahal. Marka-Bahala, ika nga..mawala lang sa isip nila ang nararamdamang tampo, galit, inis o paninibugho. Papairalin ang Pride, tatalikuran ang lahat at sabay sabing.."hindi ka naman karapat-dapat"..Bitter effect!..pero ang totoo'y tulak ng bibig, kabig ng dibdib..tsk tsk.

Ang isang uri naman ng nagmamahal, matapos ng hiwalayan, ay bini-baby ang kalungkutan. Masokista effect!.. daming tanong ang mabubuo..'bakit nangyari to?'..'ano pa bang kulang ko?'..'mahal ba nya talaga ako?'..'worth it bang sagipin to?'..at marami pang ka-EMOhan. Pero mas dakila ito kesa sa nauna dahil tinitiis nito ang sakit na dulot ng hiwalayan. Buong tapang nitong harapin ang sitwasyon..hahayaang maghilom ang sakit at matapos nun ay hindi magdadalawang isip na umasa't maghangad ng isa pang pagkakataon.. idudugtong ang nakaraan sa kasalukuyan nang may maaasahang bukas.. ^_^

Alin kayo sa dalawa?

Sa bilis ng mga pagbabago at galaw ng mundo, sumasabay din dito ang pagbabago ng tao sa larangan ng Pag-ibig. Minsan tuloy mas gugustuhin kong mabuhay muli sa nakaraan..sa sina-unang panahon..kung saan hindi kelan man naging problema ang pagpapahiwatig ng damdamin. Hindi uso ang Pride noon. Kung mahal mo, mahal mo at gagawin mo lahat. Si lalake noon, masyadong romantiko..nang-haharana pa nga eh. Hindi nahihiyang ilabas ang tunay na nararamdaman..hindi mapaglaro at hindi basta-basta sasabihin ang katagang 'Mahal Kita' sa kahit sinong babae liban na lang sa nag iisang babaeng napupusuan nito.... Si babae naman noon, hindi basta-basta nagpapakita ng motibo kahit kanino. Kahit marami ang nagkakagusto, mataray ito sa lahat ngunit ngumingiti sa nag-iisa nitong tinatangi. Alam kong buhay pa ang kaugalian na ito sa bawat isa...hindi ko lang maintindihan kung bakit nahihirapan tayong ibalik ang dati.

Ano ba ang pumipigil sa atin?

Ang daming Lovestory sa mundo.. pero kokonti lang ang may Happy Ending. Siguro dahil ang iba, napaka taas ng expectation sa Love. Masyadong nagiging Idealistic. Wala naman talagang perfect na relationship at hindi ako naniniwala dito. ‘Relationship is partnership!’.. sabi pa nga ng mga nakalagpas na ng ilang delubyo sa relasyon.. ibig sabihin nito'y dalawa kayo ang kakayod para gawing makabuluhan ang kung anong meron lang kayo. Lagi daw nating iisipin na kapag nagmahal ka ng tao..dapat pati ugali nito'y mamahalin mo rin at matuto kang tanggapin ang kanyang mga pagkukulang. Dagdag pa nito...malalaman mo raw kung katangi-tangi, dalisay at kasagip-sagip ang isang taong nagmamahal kung andyan parin ito sa tabi mo kahit ipinakita mo na ang lahat ng masama't nakaka-inis na ugali mo. Ka-tsinelas daw ang tawag dito.

Nahanap mo na ba ang ka-tsinelas mo?

Ako, may love story din… Nagkahiwalay dahil sa simpleng hindi pagkakaunawaan at pina-iral ang lecheng pride. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ng happy ending... Nagsisisi ako sa mga bagay na aking binalewala. Pero nakaraan na yon...ika nga, lumipas na’t dapat nang ibaon sa limot. Sadyang may mga bagay kasi na kahit gaano mo man pangarapin at ipagdarasal na mapapa-sayo ay hindi talaga mangyayari...kung bakit? hindi ko alam...ang alam ko lang.. hindi ko parin mahanap ang isang pares ng tsinelas ko....

No comments: